Wednesday, September 24, 2008

Perfect na sana kaso....



Sana nga kaya nating magmahal ng tao nang walang pagaalinlangan..
Di mo pa alam kung susu-ung ka sa bagong buhay na tatahakin mo..
Pero alam mo namang wala kanang hahanapin pa sa pag-ibig na yon'...

Perfect na sana kaso hindi mo pa nasusubukan at tinatry mo pa ang formula
ng love,,,,,Hindi mo alam kung sasakay kaba sa mga pakulo at drama nila...
Kung sa bagay hindi mo naman hawak ang puso nila upang ika'y mahalin nila.
Hindi naman din nila sigurong sinasadyang madevelop sayo...

Perfect na sana kaso alam mo namang ayaw mo ring masaktan pa.
ayaw mong maulit ang mga pagkabigo mo sa pag-ibig...
ayaw mong bumalik ang mga sakit sa puso mo...

Perfect na sana kaso Nagdadalawang isip ka,kung minsan ay apat pa..
parang pusong pabalik palik ang tibok di mo alam kung san pupunta.
magulo at baliktad na utak ang iyong natatamasa....

Perfect na sana, kung hindi lang sana sagabal sa pagaaral...
kung nakaconcentrate ka muna sa pagaaral bago ang pag-ibig...
kung gusto mo munang marating ang pangarap mo..
kung gusto mo munang ihahon sa hirap ang pamilaya mo..
kung gusto mo munang ipagpaliban ang nadarama mo...

Perfect na sana kung sa perfect kaso lang......
Gusto mo kaya ayaw mo....Minsan gusto mo kaya lang ayaw mo....
Hindi mo alam ang takbo ng pagiisip mo kaya pati puso mo nalilito...

1 comment:

Kim Ye-jun said...

kumusta? Please follow this blog, at magtulungan tayong gumawa ng mas magagandang balita tungkol sa mga pangyayari sa Batangas. kung meron kayong alam,kahit anong kapansinpansing kwento, basta tungkol sa mga school, institutions, government at kahit anoano pa dito sa batangas..salamat sa inyo..

-batangas Online
http://batangasonline.blogspot.com/
:)

My Blog Site:
Blogger.com