Saturday, November 1, 2008

KILABOT presents "Cemetery Gurl II"

ang nakaraan

Sa pagpapatuloy...

Nang matapos ang mainit at nagliliyab na tagpo nagpahinga kami saglit...Maya-maya, dali- dali kaming nagbihis baka kasi may dumaan nang tao dun...Nagpaalam muna ako upang umihi sa may tabi...pagbalik ko wala na si Diana dun..naisip kung baka nauna na siya...umalis narin ako pagkaihi ko...Binilisan ko ang paglalakad baka kasi maabutan ko pa siya,subalit bigo ako wala na siya.....

Bigla tuloy akong pinangilabutan na hindi ko mawari kung bakit...Sumagi ulit sa isipan ko si Diana..Nagtataka lang kasi ako ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.....Hindi ko alam kung nagalit siya o na-guilty sa nangyari sa amin kanina..Hanggang sa pagtulog ay siya ang nasa isip ko...ang nagyari sa amin ni diana na talaga namang ikinatutuwa ko dahil sa ganda nya at seksi wala kang maitatapon sa kanya...titigan ka lang nya wari moy narating mo na ang kalangitan...
Pasado ala una na hidi parin ako makatulog...pabali-baliktad ako sa aking hinihigaan,,di mapakali..Naisipan ko tuloy magbanyo...habang nasa banyo may narinig akong kalampag...at nang titingnan koy may dumaang isang itim na pusa...sabay wika kong"Dyos ko kala ko kung ano na pusa lang pala..."..ilang segundo lang parang nakarinig ako ng sit -sit...naisipan kung lumabas subalit wala akong taong makita...ni anino wala rin..naisip kong baka guni-guni ko lang ang aking mga narinig...

Bumalik ako sa aking higaan...sumagi na naman sa isip ko si Diana...subalit kahit anong posistion ang aking gawin sa pagtulog hindi parin mabura sa isip ko ang pangalan nya...ilang minuto pa nakatulog na pala ako..

Bandang alas kwatro ng madaling araw ....nagising ako sa tahol ng aso,,, tahol na nakakatakot at nakakapangilabot at wari bay nakakita ng multo...subalit di ko na iyon pinansin .. nagdesisyon nalang akong magbanyo.,.. habang nasa banyo ako di parin maalis sa aking isipan si Diana...naalala ko ang mainit na nangyari sa amin...subalit nahihiwagaan talaga ako kung bakit bigla nalang siyang nawala..at ang ipinagtataka ko ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin...

Pagkatapos kung magbanyo...parang may pwersang tumulak sa aking tumingin sa may bintana....may nakita akong isang bagay na puti at hugis tao...pinilt kung ipikt ang mga mata ko at tapikin ang pisngi ko subalit hindi nawawala ang bagay na iyon...lumapit ako ng bahagya at pingmasdan ulit iyon....Laking gulat ko ng bigla nalang itong nawala...Nanindig ang balahibo kaya umalis nalang ako sa kinatatayuan ko...di pa ako nakakalayo...nakarinig naman ako ng iyak at ungol...ungol ng isang nagmamakaawa...wari bay humihingi ng tulong...pinakinggan kung mabuti ang kanyang sinasabi upang matukoy ko kung saan nagmumula ang ungol na iyon...

Habang sinisiyasat ko ang daan patungo doon bigla nalang akong nakaramdam ng panlalalamig...nanindig ang balahibo at nanigas ang tuhod ko....di ko na pinansin ang mga iyon...
Bigla nalang akong napatingin sa may puno...Nanlaki ang mata ko sa aking nakita''' isang putol na ulo...""kaya dali dali akong bumalik...di pa ako nakakalayo bigla na namang lumamig at pagharap ko isang babaeng nakaputi ang akin namang nakita...Duguan at nakakatakot ang mukha...bigla siyang napatingin sa akin at laking gulat ko na siya pala yun...ang puting bagay sa may bintana.....Si....DIANA...na nakaniig ko kani-kanina.,.. Di mapakali ang tumbong ko kung saan pupunta...bumigat ang mga paa ko at pinagpawisan ng malamig...Di ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon ...Dali dali akong bumalik sa aking kwarto...nanalangin at nagtirik ng kandila...sabay talukbong ng kumot...

Marahil kaya ako nakatulog ...dala narin siguro ng takot ko.....
Maya maya nagdesisyon akong bumalik ng sementeryo...Maraming tao kasi ito na ang pinakahihintay na araw ng mga patay...
Dumeretso ako sa puntod na pinuntahan namin kagabi ni Diana...Nakita ko ang isang matandang babae sa may puntod na yaon...wariy sya ang kamaganak ng nakalibing dito...tinanong ko siya kung kaano ano nya ang nasa puntod...di naman siya tumangging magsalita...anak daw nya ang narito...namantay raw kase pinagsamantalahan at walang awang pinatay....Biglang may tumulak sa akin na pwersa upang lapitan at tingnan kung ano ang pangalan ng nasa lapida...Nanlaki ang mata ko sa nakita ko...Diana Torralba ang pangalan nya....Hindi ako makakibo sa isang tabi subalit tuloy ang kwento ng matanda...para akong naupos na kandila sa mga nasaksisihan ko...mga ilang minuto pa nagpaalam na ako sa matanda....Dali dali akong umalis ng sementeryo.....Nagdesisyon akong magpunta ng simbahan at ipignagdasal ang kaluluwa ni Diana....pumunta rin ako sa mga pulis upang tanungin kung may lead sa pagpatay kay Diana...Subalit mabait ang maykapal ilang linggo lang pagkatapos nang araw na iyon tinawagan ako ng pulis at nahuli na raw ang pumatay at gumahasa kay diana...laking pasasalamat ko sa nangyaring iyon.....Sa wakas mapapanatag at matatahimik na ang kaluluwa ni Diana...mula noon Hindi na siya nagpaparamdam kaya naging panatag na ang kalooban ko...


Dito nagtatapos ang kwento ni Emil....Subalit hindi pa nagtatapos ang mga kwento ng KILABOT....Subaybayan ang mga susunod na kabanata ng KILABOT ... abangan...

My Blog Site:
Blogger.com