Friday, October 31, 2008

KILABOT presents "Cemetery Gurl"

Maghanda na sa unang pasabog ng KILABOT ngayong unang araw ng Nobyembre...Hatid sa inyo ng Produksyon ni Henyong batugan na una ring handog para sa seryeng KILABOT...


Narito ang kwento ni Emil,isang maglilinis ng nitso sa sementeryo at dito nangyari ang nakakakilabot nyang karanasan....

Mula Grade six hanggang ngayong akoy fourth year na, nakasanayan ko na ang maglinis ng mga puntod..Bago sumapit ang undas,nasa sementeryo na ako,sa maghapong paglilinis nakakalikum ako ng 2000 kada araw...malaking tulong para sa aking pagaaral at pang-araw araw na gastusin.Mas marangal namang trabaho ito kesa magnakaw ka makukulong kapa...Tinatabasan ko ang mga malalagong damo,winawalisan ang makalat na basura sa paligid ng bawat puntod, pinipinturahan ang mga kupas at maduming nitso at kinukudkod ang mga tirang kandila....Kailangan ko kasing kumayod kasi isang dakilang labandera lang si ina at ulila na ako sa ama.

Hindi ko inaasahang dito mismo sa loob ng sementeryo ko mararanasang magkaroon ng karanasan sa isang babae....

October 31, 2007 mga ala sais ng hapon habang papunta sa puntod na aking lilinisin,, sa di sinasadyang pangyayari...nakabangga ako ng isang napakaganda at napakinis na babae...di ko kasi siya nakitang papalapit kaya nasagi ko siya..madilim rin kasi ang daan...Humingi naman ako ng dispensa sa kanya at nagpakilala narin sabay pulot ng nalaglag nyang dala-dala...Di naman siya tumanggi na ibigay ang kanyang pangalan....."Diana ang pangalan ko", ang mahinhing wika nya sa akin..

Nagmagandang loob akong ihatid sya kasi madilim ang daan at baka kung mapaano siya..Hindi naman siyang tumanggi...

Kumakabog ang dibdib ko habang kamiy nasa daan,..marahil sa ganda nya at kabaitan narin at akoy na love at first sight sa kanya...Di ko narin siyang tinigilang tanungin ng kung ano ano...sumasagot naman siya sa mga tanong ko sa kanya...

Nang makarating na kami sa lugar na aming pupuntahan...Bigla nalang siyang natahaimik at humagulgul...at sabay wikang "Magbabayad sila!magbabayad talaga sila!...." at nabigla nalang ako sa nasaksihan ko....hindi ko na siya kinulit kasi alam kong hindi na tamang ungakatin ko ang kanyang mga nasabi....nagulat ako ng bigla nyang sinabing..."Maari mo ba akong yakapin...kahit ilang saglit lang..." napalunok ako sa kanyang sinabi at biglang nanigas...ang aking katawan sa sinabi nya...biruin mo yayakapin ako ng isang napakagandang babae at sya pa mismo ang nagpaunlak...sino ba naman ang hindi tatanggi...Syempre ang tanga ko naman kung aayaw ako...Umiiyak siyang lumapit sa aking dibdib at hihahag pos ang likod nya upang mawala ang lungkot nya....Maya maya ay humarap sya sa akin at biglang....inilapit ang mukha nya sa akin..sinunggaban ko agad siya ng halik...lumalaban siya sa bawat halik ko...

Sa bilis ng pangyayari hindi ko namalayang...mga wala na kaming saplot...hindi ko na inisip kung may dumaan mang tao subalit panatag naman ang loob ko dahil nga masukal ang daan at madilim pa....Nangyari ang hindi dapat mangyari nadala ako ng tukso ni Diana subalit hindi ko pinagsisihan kasi kapwa naming ginusto ang nangyari....

Nang matapos ang mainit at nagliliyab na tagpo nagpahinga kami saglit...Maya-maya, dali- dali kaming nagbihis baka kasi may dumaan nang tao dun...Nagpaalam muna ako upang umihi sa may tabi...pagbalik ko wala na si Diana dun..naisip kung baka nauna na siya...umalis narin ako pagkaihi ko...Binilisan ko ang paglalakad baka kasi maabutan ko pa siya,subalit bigo ako wala na siya.....


Thursday, October 30, 2008

Wanted vs OJT Hunting

Maghapong nagaabang,naghihintay at naglalakad
Umaasa sa darating na biyayang inaasam...
Nagmamakaawa at nagbabakasaling matupad ang inaasahang
maaring ipagkaloob....
Lalakarin ang kilo-kilometrong daan ...
Makahanap lang ng mapapagduty-han sa kanilang OJT..
Suot pa ang magara at mamahaling kasuotan
Mukhang kagalang-galang at mga mukhang disente...
Daig pa ang pose ng modelo sa kanto..
Daig pa ang pose ng mga napo-poses(sinasaniban)...
Dinaig pa ang mga pose ng mga bilanggo sa kulungan..



Kaya heto sila ngayon mga wanted din sa kani-kanilang kaso...

Lakawatzerong Prinsipe-Kasong murder ang isinampa.

Hija Bratinela-Kuratong Baleleng gang ang kinahaharap.

Michiz Hearticles-Illegal Piggery ang katapat.

Henyong Batugan-Flaggerism ang naging kaso...pangagagamit ng katawan ang na issue.

Isukular-Child Abuse ang naging reklamo.


Ginulungang Palad- Rape at illegal Drug ang naging problema...


Mr.Kupido-Homicide ang naging kaso..

VarDhugoal-Kasong krimnal ang kinakaharap.

Cute na Dukha-Illegal Possesion kasi mukhang naposes daw



ika nga ni betty kay armando...

jOOOOOwwwwwkkkk lang po...

KILABOT [Ang Panimula]

Ngayong NOVEMBER.....





Handa na ba kayong masindak,matakot at panindigan ng balahibo....
Handa naba kayong makabasa ng mga nakatatakot na artikulo na hango sa mga kakila-kilabot na karanasan,...Hindi inaasahan at minsay di sinasadyang mangyari sayo...

Hatid ko sa inyo ngayong halloween ang ibat ibang kwentongkakaiba at kababalaghan..
Kathang isip lang subalit may kakaibang hatak na maaring katakutan..
Mga kwentong magdadala sa inyo ng kakaibang imahinasyon at kakaibang sindak...

Handa ka na bang Matakot.....
Handa ka na bang Mangilabot....
Handa ka na bang Masindak....

Handa ka na ba para sa KILABOT.....

.............ABANGAN>>>>

Kung ang istorya ay may pakakahawig at pagkakatulad sa iyong tunay na buhay...ang mga ito ay hindi inaasahan at hindi sinasadya...ang mga kwentong inyong masasaksihan ay mga kathang isip lang upang magbigay sa inyo ng kaunting kagalakan....


Tuesday, October 21, 2008

Naubos sa wala

Ang laking pakinabang talaga ng pera sa tao...Biruin mo kahit sino kapa at kahit ano kapa kayang-kayang tapalan ang mukha mo ng pera...Gaano man yan kaliit at kalaking halaga maaring bilhin sa pamamagitan ng pera...
Pera...nagpapaikot sa buhay ng tao.malaking importansya sa tao,subalit malaking problema sa buong sablibutan....Maaring may mahalagang papel sa buhay ng tao subalit may malaking kapinsalaan rin sa bawat isa sa atin...
Minsan kahit ano kayang bilhin ng pera maging buhay mo kayang kayang bilhin...subalit hindi rin naman nito kayang bilhin ang prinsipyong ating ipinaglalaban..
Isang araw nang akoy nasa kasarapan ng pagkokompyuter...ang sarap sarap nag pagkakaupo ko,maya-maya ay tapos na raw ang oras ko...biruin mo nakatalong oras ako ng wala man lang nagagawa o nahihita sa buong oraw na iyon....aba'y nakatatlong oras akong nakikinig sa aking mga musika sa aking blog ayun stop na raw ang oras na iyon...kung kaya ko lang sanang hawakan ang oras na iyon o imaneobra ab'y gagawin ko na ang makakaya ko....kung aking iisipin nalalaman ng aking isipan na may daya ang kanilang relos....hindi ko rin naman sila masisi kasi nga naman negosyo nila yun...Ngunit sobra namng dali nun...Ah kaya pala eh kasi nga naman iyon ang internet busy sa pagtawag kaya hayun hinahakot ang daloy nito kaya hayun mabagal pa sa pagusad ng pagong...
sabi nga ni damulag nasayang lang pera,kung pinangbili ng pagkain nabusog pa sana ako...
waldas kasi sa pera ...
ayan time na ulit ako...sayang naman...huhuhuhuhu

Saturday, October 18, 2008

Samahang Walang Kapantay

Sadya namang ang sarap ng pakiramdam kapag tumatagal ang isang samahan..
Yung samahang kahit na anung problema ay sama sama upang solusyonan...
Samahang kahit butas ng karayom ay kayang lusutan ng nagkakaisa...
Isang samahang wala ng makakapantay at makakatapat....
Samahang kahit hanggang sa dulo ay magkakasama....
CP-AM-dati rati'y isang ordinaryong magkakaklase na ngayoy eto't patulo'y na sama-sama at
umaasa na hanggang sa huling hininga ay patuloy na magkakasama...
Kahit pa ilang anak ang magsulputan...
kahit na ilang uban ang mangibabaw...
kahit na ilang henerasyon ang dumating..
Hinding hindi magkakalimutan...
kahit ilang nobelang problema ang dumating sama-sama hanggang sa huling daloy ng dugo....
kahit na sa huling hininga ng bawat isa...kahit na pilit na inilulubog ng iba...hinding hindi uubra...



kahit patuloy ang intriga ,patuloy ang inggitera...hindi pababayaang mawala ang tiwala ng bawat isa...magkakapatid at magkakapamilya subalit higit sa lahat magkakapuso...magkakabarkada....at iba tayo sa iba....kahit anung patung patong na paninira....kayang kaya....mga Henyo EH!
Saan man makarating hinding hindi makakalimutan..iba na kasi ang may pinagsamahan...
Iba na kasi kapag magkakapamilya,ibang-ibang magmahalan...walang hiyaan makakagawa pa nga ng mapaguusapan....
kahit patuloy ang giyera sa mindanao,,,,pati sa iraq na sentro ng bombahan...
magkakasama parin...dahil kung alam mong nasa tama ka...kailangan...

Dahil sabi nga ng ISKULAR...alam ng bawat isa sa amin ang salitang PAGLABAN...
kaya hanggang ngayon pinaglalaban namin ang aming mabuting samahan...at patuloy na lalago at pagsusumikapang hindi mabali ng kahit na anong problema kahit kung minsan samut sari ang iringan at pasakit madali namang nareresulbahan dahil hindi rin naman kami ganung ka perpekto kaya natural lang na minsa'y may alitan..
Dahil hindi lahat ng pagsasama ay puro mahalan kaylangan din magkaroon ng alitan hanggat may tamang ipinaglalaban nabubuo ang isang magandang samahan na walang katumbas at higit sa lahat,,,,samahang walang kapantay...

Thursday, October 9, 2008

Lamay proyekto #2 (Programa ala vb)

Basta talaga isang estudyante kaliwat kanan ang mga gawain.
Aligaga sa paggawa ng mga nakalitanyang gawain.
Di malaman kung alin ang uunahin...eto ba o iyon..
Kahit alin ang unahin makakaramdam ka talaga ng kapaguran..
tila ba balisa ka kung saan mo pa aatikhain ang mga gastusin
na kinakailangan mo para lang masalba ang iyong inaalagaang grado...

Ilang gabi na naman ang kinakailangan mong gawing araw,
pero kahit na ilang umaga rin ang pinalilipas at ilang tanghali
ang dumaraan,kahit ilang hapon ang magpaalam
mas mahalaga ay matapos mo ito kahit pa kapalit nito ay ang kalusugan mo.

Mamukol man ang mga eyebag mo...kumapal man ang mga muta mo...
at kahit mapanis man ang laway mo tutok parin kaharap
ang maliwanag na screen ng kompyuter.
Mabusog ka man ng hangin at kabagan sa tubig
okay lang din ang mahalaga sa importante ay nagawa
mo parin ang kailangang gawin kahit pa
kabayaran ang iyong magandang katawan...
kahit na magmukha kang nanguluntoy na uood,at nabilasang isda
okay lang din...basta ang mahalaga tapos ka...

Tuesday, October 7, 2008

Bubuyog na kumakalat # 2 (Sipa ng pulang kabayo)


Mas pinalakas, mas pinatindi at mas detalyado...

Bakit kaya naiembento ang mga alak?
Ano nga kayang kabutihang dulot nito,
gayong itoy ma-alcohol.....Nakakaadik din kung minsan,
gayong ito'y kilalang nakamamatay?
Bakit kaya nahuhumaling ang mga tao dito...
Ano ano nga kayang benipisyong makukuha mula dito..
Nakatututlong ba ito sa turismo?(sang parte?)
Nakatutulong ba ito sa ekonomiya?(maaari!....)
Nakakadagdag ba ito ng lakas ng katawan?(wow mag cobra ka nalang)
Nakakadagdag ba ito sa kagawapuhan/kagandahan?(NGEK sabi nla)
Subalit may kaya kanya tayong opinion....
Marahil iba-iba ang pananaw natin..
Marahil din isa itong sulosyon sa mga problemang kinahaharap nila...
marahil gusto lang magdiwang...
marahil gusto lang mapagisa...
marahil gusto lang makalimot...
Maraming kilalang epekto ang alak.
maaring maging kilala ka gawa nito...
katulad nalang ng ebidensyang nasa ibaba...



ang ekslusibong kuha sa isang beach resort sa mabini batangas..
isang video na pigpipiyestahan na ngayon sa internet.(YOUTUBE)
kitang kitang masang nagdididwang ang mga kabataan...
Subalit mababakas sa bida ang kanyang kalasingan...
Waring nawalan sa katinuan ang pag-iisip..
Walang paki sa sasabihin ng tao sa kanya...
enjoy at waring wala ng bukas kung magsasayaw..
Sa una aakalaing itoy simpleng nagsasayaw lang...
Kung ating susundan ang istorya....
unti unting nawawala na sa katinuan ang bida..
akalain ba namang ipagtatapon sa mukha ng kasama ang kanilang
natirang pagkain.pati tubig na nasa timba ay ibinuhos sa kasama..
Gawain ba ito ng matinong tao.sadyang iba talaga
ang epekto ng sipa ng pulang kabayo.
At ang isa pang eksplosibong rebelasyon...
Nang amin kapanayamin ang bida sa naturang video
...iisa lamang ang kanyang sinabi.
""Sa mga naka panood maraming salamat..
at sa mga nagpakalat may araw din kau""


----->Ang sa amin lang....parang kilala ko ata yan...
----->Ang sa amin lang....sino nga kaya ang misteryosong nagpakalat nyan..
----->Ang sa amin lang......sana malasing din sila...

Saturday, October 4, 2008

Makakapagrest na kaya?

Sa kabila ng mga lamay na aming ginawa sa pagbuo ng mga proyektong amin inihain sa mga nakaraang linggong ito o maaring magpatuloy ang aming paglalalamay sapagkat hidi parin paawat ang pagbugso ng mga proyekto....Ilang Gabi kaya ang gagawin uli naming umagga...
Makakapagpahinga na kaya kami ng walang pagaalinlangan.....
Pero kahit na abutin man ng liwanag ang aming pagsasakripisyo ay handa parin namin itong bunuin.....



Natapos man ang ibang aktibidades ay hindi parin tapos ang hamon sa bawat iskular ng bayan...
Marami pa kaming nakalinyang gawain subalit kaya namin yun basta may PERA PA KAMI...
kasi nga naman UBOS NA ANG PERA KO....

sa gitna ng karamihan

Mahirap talagang isaisip ang mga salitang banyaga lalo na ang Ingles..
Subalit kahit anong hirap pa man nyay nairaraos di nga naman...
Matagumpay na nagagawa ang mahahalagang dapat na gawin...
Marahil kung sa una'y tinatalo ka na ng kaba habang papalapit palang sa entablado upang
bumanat ng iyong bibitawang linya...
Maraming nakakaligtaang mga salita at mababakas sa mukha ang kahiyaan sa gitna ng karamihan....sari-saring emosyon ang mararamdaman......


Subalit ang mahalaga ay maibigay mo ang makakaya mo sa anumang laban...tulad nalang ng mga halimbawang larawan sa itaas...mababakas sa kanilang mga mukha ang hiya....subalit unti-unting nawawala ito pag nasa kalagitnaan kana ng birada mo...Hindi mo namamalayan ay tapos na pala ang linya mo......malalaman mo nalang pinagpipiyestahan na ang mga larawan mo sa naturang sandaling iyon......Iba ibang emosyon ang nakikita natin sa mga larawan sa itaas...

May mga nagmamakaawa....may mga nagagalit.....may mga naiinlab.....may mga mahinahon....subalit may mga mahinahon ngang magsalita subalit kakatakot naman ang mukha...may mga nagsusumamo......may mga taong akala moy andun subalit mukang wala lang....may mga pakyut na hindi naman kyut...may mga inaantok....may mga tuod...may mga emote na emote. at may mga nakakatakot....

Subalit ano pa man ang mahalaga.....Nakakapagsaulo kame ng INGLES....

Lamay proyekto #1(Talong Fever)


Sabi nila basta estudyante hindi maiiwasang matambakan ng mga proyekto.
Kaya maging gabi ay ginagawang araw, mabuo mo lang ang iyong proyekto.
Kahit kadalasan laging masakit sa bulsa ay ating patuloy na kinakaya.
Patuloy na kinakawawa ang pitaka.
Tunay na nakakasakit na ng ulo,lalo na kung saan mo pa aatikhain ang gastos sa bawat parito't paroon mo...hindi rin maiiwasan ang mamayat sa mga gawaing kailangan para lang sa proyekto.
Minsan nga gustuhin mo mang sumuko sa mga gawaing iyon ay patuloy mo paring kinakaya upang makapagsumite ka lang ng iyong mga requirements..
Buhay estudyante nga naman saan ka man abutin ng dilim okay lang ang mahalaga ay maabutan mo ang takdang panahon na kailangang gugulin para sa yong proyekto.
Minsan nga hindi kana makaangal sa karamihan ng trabaho mo...
hindi kana makatanggi sapagkat kailangan talaga ito.





Sa mga lamay ng proyektong aking tinahak..
maraming samahan na rin ang mas lumalim.
Naranasan na ng bawat isa sa amin ang kumain sa iisang dahon ng saging....kanya kanyang
kaybot,subo at dakot ng pagkain...walang hiya hiya...ang mahalaga ay
mapunan at mapakain ang mga nagwawalang alaga sa tiyan..
Naranasan ng bawat isa ang makaramdam ng kamalasan sa magkakasunod na pangyayari.
Maghintay sa mga kasamahang di malaman kung kelan ang dating halos inugat at tinuod sa paghihintay,Naiwanan ng siksikan nang sasakyan...
Madatnan ng rumaragasang ulan..bahang nakalulunod sa gitna ng lakbayin.
Lumiwanag na kalangitan sa kabila ng nagsusungit na panahon..
Mga pangyayaring hindi inaasahan subalit kadalasang dumarating.....
Mga pangyayaring nakakaya sa kabila ng paghihirap.
kahit ano man ang mangyari okay lang ang mahalaga
MAY PROJECT NA AKO.....
My Blog Site:
Blogger.com