Monday, September 29, 2008

Bubuyog na kumakalat #1 (EKSLUSIBO)

Ilan Lang yan sa line ng isang talk show sa balat ng earth....
Subalit pinagpipiyestahan ng mga batugan sa may kanto
ang mga balitang umuugong sa kahit saang parte ng showbiz....(EHHH)..
Ang ebidensya,....Ang isang larawang maaring kinuhanan at ngayo'y kumakalat.
Batay sa aming imbestigasyon sa di umanoy malisyosyong larawan at malamang ay
niretoke lamang...Subalit ng aming ipagbigay alam sa mga nakakaalam ng peke at hindi
Ay ang sagot nila sa amin ay...





.....Maaring makatotohanan ang larawang ito...batay narin sa saliksik ng karamihan maaring ang larawang iyo'y hindi tunay at pinakalat upang may masirang pangalan....

Kung ating pagmamasdan ng mabuti ang larawang ito ay makikitang kilig na kilig pa ang mga ito...nakita rin sa larawan na may isang nilalang na nakadungaw na hindi mawari ang mukha kung ito ba ay isang malaking punso.Kung babalikan natin ang kontrobersyal na larawan,.....maaari natingh isipin na ang nilalang na yao'y isa rin sa kinabibighanian ng isa sa dalawang lalaki...Mababakas din sa mukha niyon ang pagseseselos sa dalawang magising-irog...

Nang Aming kapanayamin ang dalawang kontrobersyal na actor-actoran...ay iisa lamang ang kanilang sagot...

"""""NO COMMENT PO KAMI DYAN..SOWE PO TALAGA..BYE""""""""

Ginagalang nalang namin ang kanilang naging pasya....

--Ang sa amin lang bakit kailangang sila lang ang magpapicture...Nainggit tuloy kami...
--Ang sa amin lang bakit kailangang sila lang ang maging masaya sa picture nayon..
--Ang sa amin lang bakit kailangan pang ilihim ang kanilang relasyon,gayong halata na naman..hheheh..
--Ang sa amin lang kailangan ba talagang sila lang ang kinakikiligan....
--Ang sa amin lang ...Paano na sina Anne at Angel ng buhay nila...patay kau dun....
-- Ang sa amin lang kinawawa nyo naman yung katabi nyo..

Wednesday, September 24, 2008

Perfect na sana kaso....



Sana nga kaya nating magmahal ng tao nang walang pagaalinlangan..
Di mo pa alam kung susu-ung ka sa bagong buhay na tatahakin mo..
Pero alam mo namang wala kanang hahanapin pa sa pag-ibig na yon'...

Perfect na sana kaso hindi mo pa nasusubukan at tinatry mo pa ang formula
ng love,,,,,Hindi mo alam kung sasakay kaba sa mga pakulo at drama nila...
Kung sa bagay hindi mo naman hawak ang puso nila upang ika'y mahalin nila.
Hindi naman din nila sigurong sinasadyang madevelop sayo...

Perfect na sana kaso alam mo namang ayaw mo ring masaktan pa.
ayaw mong maulit ang mga pagkabigo mo sa pag-ibig...
ayaw mong bumalik ang mga sakit sa puso mo...

Perfect na sana kaso Nagdadalawang isip ka,kung minsan ay apat pa..
parang pusong pabalik palik ang tibok di mo alam kung san pupunta.
magulo at baliktad na utak ang iyong natatamasa....

Perfect na sana, kung hindi lang sana sagabal sa pagaaral...
kung nakaconcentrate ka muna sa pagaaral bago ang pag-ibig...
kung gusto mo munang marating ang pangarap mo..
kung gusto mo munang ihahon sa hirap ang pamilaya mo..
kung gusto mo munang ipagpaliban ang nadarama mo...

Perfect na sana kung sa perfect kaso lang......
Gusto mo kaya ayaw mo....Minsan gusto mo kaya lang ayaw mo....
Hindi mo alam ang takbo ng pagiisip mo kaya pati puso mo nalilito...

Tuesday, September 23, 2008

Yez may formula ang love...

Marahil nga maraming nagtatanong kung talagang may formula ang love.
Marami rin sigurong tnong sa puso nila kung ano at paano nagkaroon ng formula ang love.

Kahit naman siguro hindi pa ako bihasa pagdating sa pag-ibig,
maari kong sabihin my formula ang love.
tulad din ng kamera meron itong film upang idevelop ang picture.

Pagdating naman sa pag-ibig,may mga pagkakataong nadedevelop din ang isang tao
sa isang kasama....

Nagsisimula muna ito sa isang magandang pagsasama,..pagkakaibigan na
nauuwi sa pag-iibigan..hindi man ipakita at aminin ay nadarama nila ito sa isat isa.


Love=Friendship + time

tamang formula yan ng love.kailangan ng isang magandang pagkakaibigan at tamang panahon upang mabuo ang love..
Friendship,,,,,kailangan ng isang magandang samahan upang magkakilanlan ng mga ugali..
Time,,,,,kailangang pagisipan muna natin ang mga bagay bagay bago harapin ang panibagong pagsubok sa ating buhay...Mahalaga ang time upang lalo pang magkakilala ang bawat isa sa bawat bawat minutong tinatakbo ng mga kamay nito.

Hindi batayan ang mga qoutes at mga love test na yan... ang mas mahala ay ang pagkakakilanlan ng bawat isa at ang panahon ng itatakbo nito....

Yes May Formula akong Gustong Mabuo
Formula ng Love ..kahit sinoy maaring gamitin...

If you we're my girl



Ang sarap sarap tlagang pakinggan at paulit-uliting patugtugin nitong kantang ito.

Marahil batay narin sa kantang ito ang mga katangian ng mga babaeng magugustuhan ko.



->if you were my girl dapat siguro gusto rin kita.

->if you were my girl dapat siguro karapat dapat kang mahalin.
->if you were my girl,sana mahal mo akokung sino ako.
->if you were my girl sana hindi mo ako ginagalit.
->if you were my girl sana ikaw talaga ang destiny ko.
->if you were my girl sana wag mo akong ipapahiya.
->if you were my girl sana ikaw nalang ang nakakalam.
->if you were my girl sana mamahalin din kita.
->if you were my girl sana magkasama tayo sa lungkot,saya at kabiguan.
->if you were my girl sana wag kang mangangako kung hindi mo tutuparin.
->if you weremy girl sana pang habang buhay na tayo.
->if you were my girl sana iniintay mo lang ang mga sagot ko.
->if you were my girl sana may work na tayo parehas.
->if you were my girl sana sabay nating abutin ang pangarap natin.
->And if you were my Girl,,,,,,,


Sana Naiintindihan moh na Bata pa ako.. at my future pa akong inaabot.

hah hah hah haaahha if you we're my girl hah hah hah haaaahha.

Monday, September 22, 2008

karma sa mga baliw na mangingibig...

Karma..matinding bumalik..kusang dumarating..hindi napipigilan..
hindi rin nalulusutan..
May maraming karma tayong tinatawag..
Gud Karma kung maganda ang
naging kapalit ng maganda mong intensyon...
Marahil nagpapasalamat pa tayo sa magandang karmang dumating sayo...
subalit kung ang ginawa mong hangarin sa iba ay tumama sa iyo...
paano mo kaya ito paninindigan...maaring di mo intensyon,
o sadyang intensyon mong sadyang itoy gawin..
kahit pa sabihing itoy isang laro o pustahan...
Masakit din namang tanggapin ang katotohanan na sayo
tumama ang larong gusto mong ibigay sa iba.

Hindi mo rin inaasahan subalit andyan yan at hahabulin ka nyang karmang yan.Kungkinakailangang iwasan mo subalit ikaw ang nahuli sa bitag na iyong
binuo.....Karma ng paibig matinding tumama....
Mahirap iwasan subalit di ka titigilan...
Isang karma ng pagibig kaya ang makakapagpabago sa iyo...
Iyang karma kayang iyan ang parusa ng diyos sa iyo..
Lumalalim man ang samahan,subalit mababaw parin kung iyong iisipin..
Karma talaga yan lalo nat ikaw ang nagplano at ikaw rin ang dinatnan..
pano mong itoy masusolusyunan kung ang iyong
pinagplanuhan ay hindi handang sakyan ang mga nakababaliw
mong paraan upang itoy maresulbahan....

pusong binaboy..humihingi ng hustisya.



Naranasan mo nabang babuyin ang pagkatao mo...yung mga tipong pati sarili mong pangalan ay o maaring sa code name ay ikaw ang punto ng isang usapan..yung bang humahanap ng kakaibangtrip.Pinagtritripan ng di mo namamalayan,puro kwento....pero ikaw ang topic idinadaan sa mating eksena.
Sa pagibig may mga pangbababoy na nagaganap sa isang magkasintahan...
humihingi ng hustisya...Mga taong inalipusta kuno ang pagibig.yung tipong sinasaktan
ang kalooban.Pangbababoy ba kung sabihin ng isang tao na hindi nya alam kung mahal ka nya.
Siguro hihingi ka ng hustisya..Ipapaglaban mo ba ang naudlot na samahan na ang ikinasira
ay ang mga kabaliwan na iyong hindi sinasadyang gawin...
Kung halimbawang umibig ka man sa taong bato ang puso...aasa ka pa kaya...
sa bawat araw na ipakita mo ang iyong pagmamahal...Hindi mo iniisip ang mga
bunga ng iyong pinaggagawa..Marahil matatawa ka nalang dahil naisip mong ang iyong
mga palpak na plano ay sayo bumalik...mainlove sa isang taong iyong sinubukan..

Hindi naman kaso ang babuyin ang iyong pagibig hanggat kaya kaya mo itong ipaglaban sa
husgado...subalit hustisya parin ang mananaig...hanggat kaya mong maghintay sa bunga ng binaboy mong paiibig

Sunday, September 21, 2008

Habangbuhay...

Marahil maraming intinde ang tao sa salitang iyan.Iba iba ang opinyon kapag naririnig ang word nayan...Kung sabagay,..habang buhay nga naman may pagasa..,habang buhay may mangyayari, habangbuhay gawin mo na ang dapat mong gawin.Hindi naman natin masasabi ang bugso ng ating tinatahak na buhay....

Habangbuhay mo mang ipangalandakan ang nadarama mo sa isang tao,,hindi mo rin masasabi kung kailan ka mawawala sa mundong iyongh ginagalawan...
Okay lang namang sabihin mo sa lahat ng tao ang nilalaman ng iyong puso..Wala namang masama sa iyong ginagawa,subalit naiisip mo bang ang iyong motibong ginawa ay nakakasakit din minsan sa isang taong minamahal mo na sa tingin nyay hindi nya alam ang ang nadarama nya para sa iyo.Oo ngat naipadama mo na mahal mo sya..naisip mo bang ang iyong nagawa ay nakatulong sa inyong maganda na sanang samahan..Mahal mo nga siya pero naisip mo kayang mahal ka niya.Kung gusto mong maganda ang inyong pagsasama kailangan wag mong sirain ang meron na maaring mabura sa inyo....OO ngat karapat dapat kang mahalin,pero sana maisip mo rin at naitatanong sa iyong sarili na kapag ginawa ko ang bagay na ito...mamahalin na kaya nya ako...,ipipilit mo bang ipagsiksikan ang sarili mo o hahayaan mong mahalin ka rin nya.......

Habangbuhay, kantang kahit na sinoy iaasamasam..habang buhay marami pa tayong magagawa sa buhay...habang buhay marami pa tayong makakasalamuha...marami pa tayong makikilala..habang buhay....hindi ka nagiisa kayat habang buhay....kung buhay ka pa.....
at buhay pa sila..mabubuhay kayong lahat kung nabubuhay kayo sa isat isa.

Lobo

Ang lobo pag tinusok ng karayom agad agad puputok.
madali mang pabintugin at palakihin,subalit mahirap
namang pakawalan at paliparin...

Parang puso,pag sinaktan mo agad ring puputok.
Pag pinalipad mo agad ring mawawala,
ayaw mo mang makasakit,subalit tatagos at tatagos
parin yan.Pilitin mo mang takasan,nakapulupot pa rin yan.
ilang beses mo mang hipan andyan pa rin yang upang
umabang,patuloy na aasa at maghihintay uli.

Pag tinundos mo agad ring mawawala.
Pag pinalipad mo agad ring lilisan.
Lobo at puso, magkaiba man ng kataga,
magkaiba man ng pinangdadaluyan,
magkaiba man ng sukat,magkaiba man ng uri,
at magkaiba man ng pinanggagalingan,
subalit iisa rin lang ang ang katangian.

Himig sa Gitna ng kadiliman



Masarap makarinig ng mga himig lalo na't
kapag paborito mo ang pinakikingan mo.
Yun bang kahit sa pakikinig mo ng musika
ay nawawala ang pansamantala ang iyong
problema.Nakakapag relaxng isipan.
Yun bang tipong kahit ilang saglit lang ay
payapa ang diwa mo sa bawat bit ng tugtog.


Kalimitan narin nating nagiging libangan ang
makinig ng magagandang himig bago tayo
makatulog.Marahil sa ganitong paraan,
nagigigng tahimik at payapa ang ating isipan at
pati narin ang ating kalooban.


Paulit-ulit man nating iplay,hindi parin tayo
nagsasawa,sapagkat sa himig na ya'oy
hindi natin pagsasawaan miski niluma nang
panahon...Di mo namalayan himbing na
ang diwa mo sa mga himig sa gitna ng kadiliman.

Tuesday, September 16, 2008

Kahit isang Anghit!

Malabalat sibuyas na amoy,
kasing bango ng bagoong,
Sumasalusak sa ilong.
Ganyan ang epekto,
matindi ang tama.
Daig mo pa ang nakatoma,
matindi pa sa mariwana.
Tinapay na may asukal sa ibabaw,
yan ang tawag dito.
Ang HIT nitong tamaan Maging Dino Ka man.
Kahit sino ka pa,magiingat ka.
hindi bago da pang-amoy,
alam ng kahit sino.
Kipit balikat mong takpan,
sasagap parin yan
kaya parang awa mo na
kahit isang anghit mo
ay ayaw kong maranasan.
Nagmamahal,
tawas

Trabahong Tamad PLUS mga Nakakatamad!

1,)Magsulat ng paulit-ulit at wlang katapusan.
2.)Maglakad sa gitna ng kumukulo at shining sun.
3.)Maglaba ng brief na butas.
4.)Bumili kapag hating gabi.Kakatakot kasi.
5.)Sumuklay ng ayaw pasuklay na buhok.
6.)Bumangon kahit humihilik pa.
7.)Maghapong walang kuryente.Kakatamad kasi alang magawa.
8.)Gumawa ng walang kakwenta-kwentang bagay.
9.)Mga taong adik na adik sa pag-ibig.
10.)Lumagok ng mainit na kape.
11.)Mag-ulam ng kape twing umagga.
12.)Mag kape kapag walang makakape.
13.)Magsaing ng walang maisasaing.
14.)Tumulog ng walang kulambo.Malamok kasi.
15.)Mag-aral kung walang pumapasok sa kukote.
16.)Umisip kahit walang maisip.
17.)Mga taong hindi marunong tumingin ng maganda sa pangit.
18.)Mga mayabang na alang maipagmamayabang.
19.)Manligo ng walang sabon at shampoo.
20.)Mag ala Gloria sa isang pangako.

Mga Kapakinabangang Dulot ng pagiging PANGKAL!

1.) Tumutulong sa pagbalanse ng ecosystem-
kung walang mga tamad,wala ring masisipag.
2.) Tipid tubig-
kung tinatamad maligo,makakatipid at mababawasan ang bill sa tiubig.
3.) Dag-dag kita-
sa mga dyipney driver,pag tamad maglakad ang mga tao,kitang kita ang kabuhayan.
4.) Iwas pagod-
kung tinatamad magpaypay kapag lalo na pag maalinsangan ang panahon,gumamit ng
electricfan iaws pagod na ginhawang pakiramdam pa.
5.) Tipid bigas -
pag tinatamad magsaing eh di bumili na lang sa kanto.o kung tinatamad bumili wag
nalang kumain
6.) Pangkista na ang look-
kung tinatamad magsuklay wag mo nang suklayin uso naman yun.
7.) Iwas pasma-
kapag tinatamad magkopya sa klase,magpakopya ka nalang o kayay mag pa photocopy
ka nalang sa labas.
8.) Good health-
kapag nanonood ng t.v. ,tinatamad maglipat ng channel.gumamit ng remote,
di kaya'y ipalipat sa kasambahay.Sitting pretty kana,iwas radiation pa..

Sunday, September 14, 2008

Style BATUGAN #1

Sa pagiging Batugan kelangan meron kang mga istilong

kelangan ring isakatuparan upang maging kapangkal-

pangkal ang gigawa mo....

Ilan sa mga istilo ay makikita mo sa blog-spasyong ito:

Kailangan matalas ang isip mo ...

Kailangan rin ng abilidad at matalas ang pakiramdam

sa mga bagay bagay sa kapaligiran.

---->Una sa pinakaunang imumingkahi ng Henyong Batugan,

Kailangan Wais ka,Syempre gagamitin mo munaang utak mo

bago ka gumawa ng mga bagay na ayaw mong gawin.

HALIMBAWA:

Bumili ng pagkainng hindi na kailangang lutuin....

BAKIT?...pagkat hindi ka na MAgluluto pa...

Nakatipid kana sa gasul o Kahoy,

di kana magaamoy usok.....,,

Di ka na mapapagod.

DI naman ako PANGKAL, BATUGAN lang

Sa dinami-dami ng pagkakataong ako'y naging pangkal..
Ilan sa mga ito'y Akoy Batugan lang...!
Hindi naman ako Kasipagan, SOBRANG SIPAG lang
Hindi rin ako matalino, HENYO lang
Hindi ri ako mayaman, MAYABANG lang
Hindi rin ako pala-imik, MADAL-DAL lang naman
Hindi ri ako kalakihan, MAY MAIPAGLALAKI lang
Hindi rin ako kagwapuhan, KAPOGIAN lang
ETO lang Ako,....HENYONG BATUGAN LANG.

Nak's Henyo pala Ako!

Nakakatuwa naman,lubos akong nagagaglak,,,
Bibihirang mangyaring ang isang BATUGANG katulad
ko'y isa na ngayong HENYO;...Akalain mo yun,,,,,
Ni sa panaginip di ko akalain,pinapangarap
ko palang eto't GINYUS na pala ako...noh yun...
Ang Buhay nga naman parang KALAT hindi aalis
kung hindi wawalisin....Kahit NAKAKATAMAD gawin,
Minsan IVAVACCUM mu na nga lang nawalan pa ng
kuryente...Sus miyo..ng mahabaging mahal na birhen
Kamalas-malasan ah....Sino namang Hindi TATAMARIN..
Minsan nga sa pagiging sobrang henyo ko pinawalis ko nalang
sa kanila...ang tatamad kasi nila eh...ay Ayun nanawa rin ang
KALAT na yun NAKAKABWISIT kasi pahahara hara sa daan
nakakasira ng imahe(SUS Meron pala ako nun)...
GALING KO NOH!nakakausbaw ang trip ko eh...
ganyan lang ang BUHAY>>>yae ng TAMAD ....DI naman PAGOD..
My Blog Site:
Blogger.com